Wednesday, July 11, 2007

Gabi nanaman...

Gabi nanaman...nakikita kita...iniisip..Hindi ko mapaghiwalay ang totoo sa hinde...
Ang totoo...lagi kitang naiisip...masyadong gumugulo ang aking kamalayan ng dahil sa iyo...Bakit ako naapektuhan ng ganito..? Dahil ba sa nangyari sa ating dalawa?? Anong meron? Kahit ang aking makulit na laga ay binabagabag mo....ang lakas din naman ng loob mo para gambalain ang aming katahimikan....

Ang aming mga damdaming matagal ng nagkukubli sa kawalan...Mga damdamin at pusong wari'y natatabunan ng konkreto...Konkreto, lupa, semento at lumot...lahat na...damdaming pinatay at matagal ng dinaganan upang hindi na makaramdam....
Ikaw??Oo..ikaw..?nararamdaman mo ba ang aking lubos na pangungulila..? Ito'y hindi itinitibok ng aking puso subalit ito'y sinasabi ng aking isipan...tuluyan na nga ba akong namanhid sa sakit na aking naramdaman?? O ako ba'y nagdadrama lamang..?

Marahil ako'y hindi mo ngayon naiintindihan...subalit minsan...dumarating sa punto nating mga tao na...tila, tayo'y nawawalan na ng pakiramdam...Tayo ay nalulungkot sa bagay na ito subalit...hindi natin mawari kung ito ay tinitibok ba talga ng ating puso...
Sa kailaliman ng konkreto...sa ilalim ng aking laman na nadaganan ng bato...Naghihikahos ang puso ko...Wari'y sumusigaw.."Tubig, tubig!!! Nauuhaw ako sa iyong pag-ibig..."
Ang boses nito'y mamamaos na...tila matagal ng sumisigaw subalit..hindi nadadapuan ng pansin....may makaktulong pa kaya sa akin...?may makaktulong pa kaya sa akin??


MusicPlaylist

pinoy money talk