Tuesday, July 03, 2007

TULA

Nalulunod ako…pero pilit na lumalangoy…

Umaahon sa karagatan ng pighati…

Ang aking luha ay hindi mapawi….

Ng malamig na tubig sa aking labi

Puno ng pighati ang puso ko

Duguan akong tumatakbo

Sa ilalim ng dilim…nag-iisa ako

Tanging liwanag ay nanggagaling sa mga mata ko

Malalim na sugat, ay dumudugo pa rin

Kahit tahiin..pupunitin din

Ng mga taong walang malasakit sa akin

Puso kong dumudugo…kailan ba sasagipin?

Dugo, Luha, Tubig at Asin….

Mga naghahalong lasa…bumabalot sa aking paningin…

Masakit..oh masakit mang isipin….

Buhay ko’y iyong kitlin…

Para matapos na ang pagdurusa kong ito…mga pighati…at pagsubok ko…sana ako’y marinig mo…masaktan pang muli’y hindi na kakayanin ng puso ko…

June 14, 2007

11:44pm

Thursday


MusicPlaylist

pinoy money talk