--TULA--
Nasilaw ang aking mga mata,
Sa ganda ng iyong mukha
Ito’y tunay na nakakalula
Kelan kaya kita makukuha?
Ang iyong mga matang, buhay na buhay
Sa akin ay nakapagpapahimatay!
Lambot ng, iyong labi
Tila ako’y nasa ulap parati…
Hindi na ako makahinga
Sa tuwing ika’y aking nakikita…
Tunay nga ba kitang iniibig…
O ito’y akin lamang iniisip?
Kelan ka kaya magiging totoo?
Para man lang mapisil ko…
Mayakap ka at maipadama
Ang pagmamahal ko, sinta…
Ang sarap talagang iguhit ng iyong mukha…
Tila isa kang anghel na bumagsak sa lupa…
Sana ikaw ay akin ng Makita…
Ng hindi nangangarap ng nakatingala…


1 Comments:
Your are Excellent. And so is your site! Keep up the good work. Bookmarked.
»
Post a Comment
<< Home