Tuesday, July 31, 2007
Thursday, July 26, 2007
Inuman at Tagayan
Sa bahay naglaklakan....
Maraming nagtatawanan...
Maraming naglalasingan....
gusto kitang i-remind na hindi ako problematic....
Ang kulit nitong babaeng lasing sa kama ni Rokrok at ni MRs.
Ala ng privacy dito
si Jean nakatingin sa likod ko..
SAbaw na ako kahit hindi ako lasing....
Nasusuka ako...(double meaning...)
heheh....ano ba namang mga usapan yan...
Tungkol sa Mmmmmm...
Ayoko ng magsulat...nakakatamad....
Thursday, July 19, 2007
Ahhh!!! BADTRIP!!! >:-(
Habang andito ako ngayon sa kwarto ko at nagpipigil ng pagkainis…(axtually hindi mo mapipigilan yon…) Yeah right…so habang natitimpi ako at pinipilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ko maalala ang pagkainis ko…eto nagtatype ako ngayon ng blog ko….eh pano ba naman kasi…naku talagah…ewan ko na lang kung magets niyo ang istorya…hmmmphhh…nakakainis talagah!
Lakad…lakad…lakad ng mabilis papuntang kabilang kwarto….sobra-sobrang pagka-isappoint at pagkainis na bumabalot sa katawan ko….nagpabagsak ako sa king kama…madilim at nakapatay ang ilaw…ako naman nakadapa habang kinakausap ako ng aking alaga..alam ko mahirap magtago…badtrip naman kasi ang pagatatago…badtrip at nakakakunsumi…hmmphh…naisip ko…kinausap ako ng alaga ko….
“sabi ko naman sayo…wag ka na ngang mag gaganyan…ano ka ba….mahahalata ka niyan eh….di ba sabi ko sayo kanina pa wag ka na masyadong mag-expect….ikaw naman kasi eh…bakit ba ang tigas ng ulo mo….oh..? wag mong iiyakan ang bagay na yan…hehe..anu ka ba….mahahalata ka niyan eh…parang yun lang iiyakan mo pa…hahah…sus..(sigh)…isipin mo nga..hindi mo rin naman sigurado kung palalabasin yun nga ganitong oras eh dib a…tsaka gabi na…akala ko ba ayaw mo na makipag-usap dun…bakit sumisige ka pa???hahah…naku ha…baka love mo na nga yan ah…
“Hindi noh…(pahid, pahid gamit ang sapin sa
“Oh…eh ayun naman pala eh…tahan na…hahah…wag ka na ngang umiyak at magdrama diyan..haha…
Haaay…kahit papano nakakatanggal din naman ng sama ng loob…haaayyy…punieta talaga…hah.
Monday, July 16, 2007
Hello!Blah,Blah,Blah
- habang naghihintay ako sa FA professor ko...nagddrawing ako ng isang damit na ibinigay sa akin ng kuya ko galing indonesia...
- ARTISTS ARE GENIUSES!!! (sabay may nakadrawing sa tabi na stick figure na nagsasabing "YEAH!!!")
- ang masasabi ko lang, si Kant, kaya niya nasabi ang mga ganung bagay ay dahil sa may mga naoobserbahan siyang mga tao kasama na ang kanyang sarili na may mga sinasabi pero hindi ma-determine kung ano talagah ang gusto nilang sabihin...(kapareho ba yun pag najejebs ka and at the same time masakit ang puson mo??)..Pssst!!Heh...sabat!!...anyweiz...si kant na lang ang nagbigay ng explanation sa mga bagay na ito...tulad ng salitang beautiful...masasabi mo ba talagah kung bakit beautiful ang isang bagay??(hindi babae ha...)..there's a certain feeling na kakambal when you say that a thing is beautiful...si Kant na lang ang nagbigay ng sagot at explanation/specific description about the word "beautiful"...
- Am i Genius??
- I guess so...you're an artist right??
- Wooh!!!Yeah Im a Genius!!!
- Kaninang umaga mahal ko si Immanuel Kant pero ngayon ang magiging profile ko na sa friendster eh "it's complicated"...pero mahal pa rin kita Kant!!!Mwah!!
- Si ****** naman...matalino na kunyari pa...:)
- dinudugo na ang mata at ilong ko pero hindi mo nakikita...(hahah)
- sources ni Kant galing sa utak niya at observation at pag-iibigan naming dalawa!!!
- Oh Immanuel Kant...Your love and theories (assumptions) are drowning me...
- Next blog ko tungkol na kay Immanuel Kant. Pareho kaming Sabog!!!
- raaar...tagal!!!
- Mas type kong maging bf si Duchamp... (di alam ni nina ang oras...)
- ang 2 girls sa klase ay walang imik...
- namely bea and nina
Wahah!!!Pasencia na kayo kung mahaba ha...haaayyyy....(ulul...heeheeh)
Blue Font-alaga ni bhrenz
Orange-Bhrenz
Assorted colors-bahala na kayong umintindi...(heheh)
Sunday, July 15, 2007
Balitang Pasok!!!
Coro: Salamat Bei..kagabi nga poh ay nagpahayag si Bhrenz na siya ay muli nanamang naka-recover. Ayon sa bloggerista, matagal-tagal din daw siyang nakulong sa sarili niyang kamalayan...mabuti na lamang daw at nakalabas siya dahil kung hindi..um..kung hindi ay..hindi niya muli mararamdaman kung papaano muling maging isang tao...
Interview na narecord ng tape at tinaype ng isang crew mula sa live conference kagabi ni Bhrenz:
Mabuhay poh tayong lahat...Mabuhay...
Media: Appluse!!!!
Alaga ni Bhrenz: Oh tabi kayo dyan!! Anak ng lintik naman oh!!...Nagbigay na nga ng conference si amo ayaw niyo pang tumahimik!! Tabe!!Tabe!!Dadaan ang amo!!
Salamat Coro...at diyan poh nagtatapos ang ating nagbabagang balita...ako po si Bei...at sa ngalan ni Coro...Kami po ay nagbabalita sa inyo ng..Mabuhay po kayo...hanggang sa susunod poh mula dito sa BLOGKOPLATO NEWS REPORT.
Wednesday, July 11, 2007
IKAW
yakapin mo ako sa iyong mga bisig na tila isang sanggol na matagl ng nangulila sa kanyang mang-aaruga...
pakinggan mo ang mga huling sandali ng aking hininga at yakapin mo ako ng mahigpit....malapit na tayong mag-sama sa langit....
Gabi nanaman...
Ang totoo...lagi kitang naiisip...masyadong gumugulo ang aking kamalayan ng dahil sa iyo...Bakit ako naapektuhan ng ganito..? Dahil ba sa nangyari sa ating dalawa?? Anong meron? Kahit ang aking makulit na laga ay binabagabag mo....ang lakas din naman ng loob mo para gambalain ang aming katahimikan....
Ang aming mga damdaming matagal ng nagkukubli sa kawalan...Mga damdamin at pusong wari'y natatabunan ng konkreto...Konkreto, lupa, semento at lumot...lahat na...damdaming pinatay at matagal ng dinaganan upang hindi na makaramdam....
Ikaw??Oo..ikaw..?nararamdaman mo ba ang aking lubos na pangungulila..? Ito'y hindi itinitibok ng aking puso subalit ito'y sinasabi ng aking isipan...tuluyan na nga ba akong namanhid sa sakit na aking naramdaman?? O ako ba'y nagdadrama lamang..?
Marahil ako'y hindi mo ngayon naiintindihan...subalit minsan...dumarating sa punto nating mga tao na...tila, tayo'y nawawalan na ng pakiramdam...Tayo ay nalulungkot sa bagay na ito subalit...hindi natin mawari kung ito ay tinitibok ba talga ng ating puso...
Sa kailaliman ng konkreto...sa ilalim ng aking laman na nadaganan ng bato...Naghihikahos ang puso ko...Wari'y sumusigaw.."Tubig, tubig!!! Nauuhaw ako sa iyong pag-ibig..."
Ang boses nito'y mamamaos na...tila matagal ng sumisigaw subalit..hindi nadadapuan ng pansin....may makaktulong pa kaya sa akin...?may makaktulong pa kaya sa akin??
Monday, July 09, 2007
CyBorg B
Patay na...patay na...umaapaw sa luha ng karuwagan...
Lumulutang sa dugo ng karimlan...kahit ngayong ngasusulat ako...di matukoy ang nararamdaman...di malaman ang dahilan...
sa natatagong kalungkutan....
Ako'y naglakbay sa malayong lugar....
puso'y hinanap para lamang sugatan...sugatan ng sugatan...sugatan hanggang sa dumugo...
Pag-agos ng dugo...sayo tutulo...
Puso'y tinusok gamit ay palaso...palaso... palasong hiniram kay kupido...
tinusok ng tinusok!!tusukin mo pa...hanggang ang mga puso'y mag-alab na...
Nais ko ng makaramdam ulit...nais ko ng umiyak ulit...
Tanggalin ang kongkretong binaon sa puso ko...lahat ng pasakit ay ipadama mo...
para maramdaman ko ulit...kung magmamahal pa ako...
kung magmamahal pa ako...ako...ako...
Tuesday, July 03, 2007
TULA
Nalulunod ako…pero pilit na lumalangoy…
Umaahon sa karagatan ng pighati…
Ang aking luha ay hindi mapawi….
Ng malamig na tubig sa aking labi
Puno ng pighati ang puso ko
Duguan akong tumatakbo
Sa ilalim ng dilim…nag-iisa ako
Tanging liwanag ay nanggagaling sa mga mata ko
Malalim na sugat, ay dumudugo pa rin
Kahit tahiin..pupunitin din
Ng mga taong walang malasakit sa akin
Puso kong dumudugo…kailan ba sasagipin?
Dugo, Luha, Tubig at Asin….
Mga naghahalong lasa…bumabalot sa aking paningin…
Masakit..oh masakit mang isipin….
Buhay ko’y iyong kitlin…
Para matapos na ang pagdurusa kong ito…mga pighati…at pagsubok ko…
June 14, 2007
11:44pm
Thursday
Sunday, July 01, 2007
Theory, theory, theories...
AY!!!!Pweh!!!Bwiset na langaw to ah!Pano nakapasok to sa kawarto ko??!!!If i know baka nakadapo na to sa tae eh...eeewwww.......yuck...pweh, pweh....must get the alcohol....
ANU BA YAN!!!TANGINA!lintik na limewire yan!(pero sooner or later pupurihin ko din yan)..Tagal! di pa rin natatanggal sa tiyan ng nanay niya!Grabeh naman talga oh...sige na nga...babaye na...oi poochy mag-online ka ha...

