Thursday, July 27, 2006

Tungkol Sa CHRONICLE I


Ang unang istoryang isusulat ko sa Chronicle I ay may title na "Wishful Thinking"...although english ang title nito..tagalog ang story....pasensyahan na lang sa mga di makakaintindi....well...dapat ngaun may isusulat ako na tula dito sa blog kaya lang...hindi ko nadala ung kopya so maybe next time na lang...aalis na rin ako kasi kinukulit ako ng kaibigan kong si Barbie eh...cge ha!!!Chow!!!Marami pa nga akong gustong isulat eh...mga legends pa dun sa storya...halimbawa..pag color blue ang script ako ang nagsasalita...parang ganun...hindi legend na alamat ha...kaya wag kayong malilito sa story ko kung bak8 paiba-iba ng colors okay?O cge na nga...kulit talaga nitong si barbie eh...Babye ulit!!!!

Tuesday, July 25, 2006

Introduction

natutuwa ako kahit na wala masyadong nagbabasa ng blog ko...well actually wala naman talaga except for my frend (hi jessie!)gusto ko kasing magsulat ng story tungkol kay " "(ayaw ko sabihin kasi may 1% chance pa rin na mabasa niya,whoever he is!)...isususlat ko ang lahat ng mga biglang pumapasok sa isip ko na imaginations tungkol sa kanya lalo na pag nageemo ako...naku...napaka-scary ko naman...parang napaka-possessive ng dating ko...hinde kasi sa totoo lang naman, okay na ako kaya lang kasi...hindi ko lang makalimutan ang mga memories..you know!?Atsaka wala namang masama di ba?tutal hindi naman niya mababasa at gusto ko lang naman ishare ang mga feelings ko eh...this is my outlet!!!wahahahaha!!!love you Jessie!!And hello mr. quotation marks!!!Dito na magsisismula ang istorya mo...at istorya ko...

Tuesday, July 11, 2006

SENTIMYENTO

nasaan ka? Nasa langit ka na ba talaga?...bakit iniwan mo ako?bakit hindi mo ako hinintay....nag-iisa na lang tuloy ako ngayon dito....wala akong masandalan at maiyakan....walang ibang makakaintindi sa akin maliban sayo pero....bakit ka lumayo...hindi ko maintindihan....tayo ba talaga para sa isa't-isa...?ano ba talaga ang totoo....Hindi ko na kay.....nakikita nga kita pero hindi naman kita mahawakan....nararamdaman nga kita pero hindi mo ako mahalikan...gusto ko ng sumama sayo....isama mo na ako sayo....isama mo na ako....

Friday, July 07, 2006

--TULA--




Sabaw na sabaw ang utak ko,
Langoy, langoy isda sa ilog…
Wala akong magawang matino..
Ibubuga ko na ang usok.

Todo hithit sa aking yosi,
Oops sandali lang, wala pang sindi
Patingin-tingin sa tabi-tabi
Naghihintay ng chicks sa paligid

May chicks na boobs lang ang laman…
May isa namang walang panglaban.
Kahit isang libong beses mo pang pulbusan,
Maitim pa rin sa kasuluk-sulukan.

Hahahah! Tawanan!
Ng aming barkadang puro kalokohan…
Mahilig kaming magsapawan,
Pati na rin mag-asaran..

Halatang-halata
Na wala akong magawa
Gumagawa na lang ng tula
Langoy, langoy isda sa lawa…

--TULA--


Nasilaw ang aking mga mata,
Sa ganda ng iyong mukha
Ito’y tunay na nakakalula
Kelan kaya kita makukuha?

Ang iyong mga matang, buhay na buhay
Sa akin ay nakapagpapahimatay!
Lambot ng, iyong labi
Tila ako’y nasa ulap parati…

Hindi na ako makahinga
Sa tuwing ika’y aking nakikita…
Tunay nga ba kitang iniibig…
O ito’y akin lamang iniisip?

Kelan ka kaya magiging totoo?
Para man lang mapisil ko…
Mayakap ka at maipadama
Ang pagmamahal ko, sinta…

Ang sarap talagang iguhit ng iyong mukha…
Tila isa kang anghel na bumagsak sa lupa…
Sana ikaw ay akin ng Makita…
Ng hindi nangangarap ng nakatingala…


MusicPlaylist

pinoy money talk