Balong umaapaw...
ano kaya ang magandang sabhin ngaun dito sa blog....ah...lam ko na...nakikinig ako ngaun ng "Tears to Shed" ng "Corpse Bride"...kahapon ko lang kasi napanood yun eh...ang ganda talaga...humihingi ako ng despensa kay Jess kasi hindi ko po masyado nabasa yung blog mo...magtagalog kna rin kasi para maganda...hehehe...ala lang...sa corpse bride...naalala ko nanaman...kung ako yun pinakasalan ko na yung corpse...maganda naman kasi siya eh...naku...ang layo na ng sinulat ko sa title...well yun nga...kagabi...habang nakahiga ako sa kama ko...nakababa yung mga blinds ng kwarto ko...madilim...tapos nakatingin ako sa kisame...iniisip ko...bakit ba ako ganito...sa tuwing may mararamdaman akong sakit...in-denial na ang puso ko...yung sakit...parang sementong ipinapahid sa puso ko para mas lalung tumigas...ayoko at hindi ako dapat umiyak kagabi kaya lang...hindi ko na napigilan...gusto kong maging malakas pero iyakin pa rin naman ako...gusto kong maging matapang pero duwag ako...gusto kong maging mabaet pero nahihirapan akong hindi manumbat sa mga ginagawa ko para sa iba...gusto kong kumawala pero hindi ko makita ang susi ng kulungan ko...gusto kong malaman ang mga sagot sa tanong ko pero...hindi ko alam kung ano talaga ang tanong ko...may hinahanap ako pero hindi ko alam kung ano...gusto kong sumigaw pero hindi ko alam kung papaano...dinide-hypnotized ko lang ang sarili ko para hindi ako makaramdam ng sakit....wala na nga ako masyadong nararamdaman pero...minsa...hindi ko alam....bumabalik din ako sa dati...gusto ko ng masubukang magbago pero...ayaw ng isa pang katauhan ko...sabi kasi niya...kung ano ako ngayon, yun ang naging rason kung bakit ako nagkaroon ng maraming kaibigan....ang sagot ko naman...yun din naman ang rason kung bakit ako nasasaktan ng mga kaibigan ko ng hindi nila alam...minsan naiisip ko na sabihin sa kanila ang problema ko...pero natatakot ako na baka isipin nilang napaka-immature ko...natatakot akong baka hindi nila ako maintindihan...natatakot ako na makita ulit ang mga itsura nila na halatang hindi sila interesado sa buhay ko....Kagabi nga naiimagine ko ng naaksidente ako...malala, malubha...siyempre pupunta sila...pero pupunta kaya si ____...? Sasabihin ng doktor na sa lagay ko eh dapat gising na ako pero, mismong kaluluwa ko na ang ayaw bumalik sa katawan ko....tapos...yung kaluluwa ko naglalakbay na at may kausap ding isa pang patay...(di ko sure kung soul yun o anghel) sabi ko raw sa kanya,"Pwede ba munang maggala?" tapos sabi niya o sige...Plano ko nga pag namatay ako...lahat ng kaibigan ko dadalawin ko sa panaginip...para fair di ba...baka magtampo yung iba diyan...(tulad ni Jessie..heheheheh..joke lang)...
tapos yun nga...hay naku...bakit ganun...ang lungkot pa rin ng buhay ko...tapos nameet ko na daw yung soulmate ko sa kabilang buhay at ang saya-saya ko daw na niyakap siya....
bakit ba naman kasi ganun ang tao...pag malungkot ang tao nag-eemo siya...
tapos yun nga...hay naku...bakit ganun...ang lungkot pa rin ng buhay ko...tapos nameet ko na daw yung soulmate ko sa kabilang buhay at ang saya-saya ko daw na niyakap siya....
bakit ba naman kasi ganun ang tao...pag malungkot ang tao nag-eemo siya...


<< Home